Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Um-overtake na fuel tanker nahulog sa bangin

0 46

Nahulog sa may walong metrong lalim na bangin ang isang 18-wheeler fuel tanker na may kargang 24,000 litro ng gasolina nang hindi nakontrol ng drayber nito ang manibela matapos mag-overtake sa sinusundang fuel tanker Lunes ng umaga sa Tuba, Benguet.

Dahil sa pangyayari ay sugatan ang drayber ng trak na si Dlezon Asis Bernardo, 34, taga-Batasan Hills, Quezon City, at nagpapagaling ngayon sa Baguio City General Hospital dahil sugat sa ulo at katawan.

Sa ulat na nakuha kay Police Brig. Gen. RWin Pagkalinawan, Cordillera Police Provincial Director, naganap ang insidente Lunes ng umaga sa Sitio Bawek, Taloy Sur sa bayan ng Tuba.

Binabagtas ng dryaber na si Bernardo ang pataas na bahagi ng lugar at pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay tinangka nitong mag-overtake sa isa pang 18-wheeler na fuel tanker subalit hindi nito nakontrol ang manibela dahilan upang sumadsad ang trak sa gilid ng bangin at tuluyang mahulog.

Suwerte namang hindi nag leak ang kargang gasolina ng trak kaya hindi ito sumabog.

Agad namang rumesponde ang Benguet Bureau of Fire Protection (BFP) at Tuba Municipal Police Station (MPS) at nasaklolohan si Bernardo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.