Abante Tonite Interactive

Um-overtake, nakamotor na magdyowa dedbol

291

Kapwa namatay ang isang 19-anyos na binata at 15-anyos na estudyanteng girlfriend nito nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay bumaligtad sa kurbada sa Nagcarlan, Laguna Linggo ng tanghali.

Parehong idineklarang dead-on-arrival sa hospital ang mga biktimang sina John Rich Albuero at Sophia Secretaryo matapos ang mga itong mabagok sa sementadong kanal sa gilid ng highway.

Sa report ng Nagcarlan police, sinundo ng binata ang kanyang girlfriend sa bahay nito sa Nagcarlan at patungo sana sa Liliw alas-11:45 ng tanghali.

Pagsapit sa Brgy. Palina sa Nagcarlan, nawalan ng kontrol si Albuero sa motorsiklo matapos itong mag-overtake sa isang sasakyan sa matalim na kurbada.

Dahil kapwa walang suot na helmet, parehong nagtamo ng grabeng pinsala ang dalawa.

Isinugod pa ang mga ito sa Nagcarlan District Hospital subalit kapwa
hindi na umabot ng buhay. (Ronilo Dagos)