Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UM papaaral ng mga runner

0 86

Mabibigyan ng pagkakataon ang mga seryosong runner na makapag-aral kundi pa nakakatapos o huminto sa edukasyon sa pamamagitan ng athletic scholarships at magkatsansang katawanin ang Mindanao at bansa sa mga lokal at internasyonal na kompetisyon sa hinaharap.

Ito ang gagawin ng Run Out of Poverty (Roop) na hangad na makahanap ng 50 hanggang 100 mananakbo na bibigyan nila ng scholarships sa University of Mindanao (UM).

Nabuo ang programa sa memorandum of agreement (MOA) na pinirmahan nina Roop conditioning coach Eustaquio Benson at UM president Willie Torres na sinaksihan nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at UM sports director Joaquin Sarabia kamakailan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.