Abante Tonite Interactive

Umaakyat ng bundok

392

Ano po ba ang ibig sabihin ‘pag napapanaginipan mong umaakyat ka sa bundok? Two times na po kasi akong nanaginip nito. Maraming salamat po.

Ang pag-akyat ng bundok sa panaginip ay sumisimbolo sa isang matayog na pangarap o goal sa buhay. Maaari rin itong simbolo ng isang malaking ha­mon o kaya ay isang malaking hadlang na kailangan mong malagpasan.

Ang pag-akyat ng bundok ay maaari ring simbolo ng pakikibaka mo sa buhay at puwede ring itong ikonek sa isang kinatatakutan pero batid mong kailangan mong matalo ang takot na ito.

Ano ang nararamdaman mo sa tuwing umaak­yat ka ng bundok sa iyong panaginip? Ano ang naiiwang pakiramdam? Nagagawa mo bang akyatin ang pinakatuktok ng bundok o nagigising ka na habang umaakyat? Nahihirapan ka ba sa pag-akyat o nag-eenjoy ka?

Sa mga magiging kasagutan mo sa mga tanong na ito, maikokonek mo kung ano ang tunay na kahulugan ng iyong panaginip.

Kung nag-eenjoy ka sa pag-akyat at pakiramdam mo ay nagugustuhan mo ang pagiging malapit sa kalikasan, maaaring tinatawag lamang ang iyong atensiyon ng iyong subconscious para gawin ito nang aktuwal.

May mga taong nagiging kaligayahan na ang pag-akyat ng bundok o mountain climbing dahil dito sila nakakaramdam ng achievement.

Related Posts

Pero kung wala ka namang hilig sa nature, maaari mong ikonek ang bundok sa iyong panaginip sa extra challenge ng iyong buhay.

Maaring isa sa mga goal mo ang masyadong nagiging mapanghamon at ang pag-akyat ng bundok ang nagiging simbolismo dahil ganito ang nararamdaman ng iyong subconscious.

Kung ano ang naiiwang pakiramdam sa iyong paggising sa tuwing mananaginip kang umaakyat sa bundok, doon ka mag-umpisa ng iyong magiging sariling interpretasyon.

Kung may pangamba kang nararamdaman, hirap na pinagdaraanan sa tuwing aakyat ng bundok sa iyong panaginip, ganito rin ang nagiging pagtingin mo sa anumang sitwasyong kinakaharap mo sa buhay. May mataas na bundok na kailangan mo munang lagpasan.

Anuman ang iyong maging interpretasyon, alalahaning nasa iyong mga kamay ang kakayahan para malagpasan anuman ang hamon ng buhay.

At kung nahihirapan kang mag-isa, maraming taong puwedeng umalalay sa iyo para hindi masyadong maging mabigat ang anumang tinatahak na landas.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.