Abante Tonite Interactive

Umaasa sa ayuda ng Pagcor nag-iyakan

104

Nag-iiyakan na lang ang mga taong umaasa ng ayudang pangmedikal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) matapos ang big­laang anunsiyo ng ahensiya na ipatitigil muna nila ang aplikasyon sa pagbibigay ng tulong-pinansyal.

Kamakalawa, inianunsiyo ng Pagcor na ititi­gil muna nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa medical financial assistance bunsod ng insidente kung saan pinagtangkaang i-defraud o lokohin ang ahensiya gamit ang mga pekeng dokumento.

Nagsipuntahan naman kahapon sa labas ng tanggapan ng Pagcor sa Maynila ang mga nakapilang humihingi ng tulong sa sobrang pagkadismaya.

“Kagaya naming mga indibidwal dito, wala kaming ibang inaasahan,” ayon kay Marinelle Bangasan.

Ayon kay Racquel Jusayda, umaabot sa P90,000 ang kanyang gamot kada 21-araw.

Nabatid na si Bangasan at Jusayda ay kabilang sa mga araw-araw na bumibiyahe, pumipila, paba­lik-balik at nagtitiyaga para humingi ng tulong sa Pagcor para sa pagpapagamot.

Samantala, sinabi ng Pagcor na isinasailalim na ng imbestigasyon ng pulisya ang mag-asawa na hindi muna pinangalanan. (Juliet de Loza-Cudia)