Abante Tonite Interactive

Umabuso kay Seolhyun hinatulan

By
679

tonite-annyeong-rose-garciaIsa sa masasabing maganda sa bansang Korea ay ang justice system. Mabilis na nabibigyan ng aksiyon ang mga kaso.

Ang cyberbullying at online harassment ay ‘di ipinagbabalewala sa South Korea. Katulad na lang sa nangyari kay Seolhyun, isa sa mi­yembro ng South Korean girl group na AOA.

Noong April lang ng taong ito ay nabalita ang online sexual harassment na nararanasan ng singer/actress sa isang male netizen.

Nagpapadala ng mga sexually inappropriate at offensive messages at video­s nang ilang beses sa Instagram account ni Seolhyun ang lalaki. Sinentensyahan ng Incheon District Court ang defendant ng six months in prison with two years of probation.

Gayundin sa isa pang kaso. May mga ma­licious photo ni Seol­hyun na in-edit. Ang dalawang lalaking ito ay indicted na at naghihintay na lang ng desisyon ng korte.

Sa inilabas na statement ng FNC Entertainment, “As we have revealed on several occasions, we will take strong legal action without any leniency against all criminal acts that take place online. Also, we will take continuous effort to protect the basic rights and interests of our artists and improve the problematic cyber culture.”

Ang huling proyektong ginawa ni Seolhyun ay ang kapapalabas lang na movie na “The Great Battle” kunsaan, isa sa considered na big hit sa Korea.