Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umakyat sa bundok

0 58

Bakit ko po kaya napapanaginipan parati ang tungkol sa bundok? Basta ako raw ay naakyat sa bundok, minsan may mga nakikita akong kasama o kasabay na maglakad pataas. Tapos minsan naman ay napanaginipan ko rin na bumababa ako sa matarik na bangin, parang galing din ako sa taas ng bundok at pababa naman. Thanks po sa inyong sagot.

– Mella

Kadalasan, sinasabi ng panaginip na tungkol sa pag-akyat sa bundok o anumang mataas na lugar na dumadaan ka ngayon sa isang mahirap na sitwasyon.

Maaaring nahaharap ka sa problema sa trabaho, mga kaibigan, pamilya o kaya naman ay pakikitungo mo sa iba pang mga tao sa iyong paligid. Posible rin naman na may emotional struggle kang pinagdadaan sa iyong sarili sa ngayon.

Indikasyon ito na mayroong kang laban na pinagdadaanan at tila nahihirapan kang lampasan ito dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Ipinapakita ito sa matarik na daan na iyong nilakaran sa panaginip mo.

Posibleng napakapit ka sa mga damo, sanga o bato na nasa paligid nito dahil ito rin ang iyong kailangan sa tunay na buhay—isang tao na maaasahan mong susuporta sa iyo kahit na hindi siya direktang tumulong para maresolba ang problema.

Sinasabi nito na kailangan mo ng mapagkakatiwalaang tao na hindi ka iiwan sa mahirap na journey mo ngayon. Kaya naman sign na rin ito para palawakin mo ang iyong network o connection sa mga maimpluwensyang tao.

Sa kabilang banda naman, maaari ring sinasabi ng panaginip mo na mabagal man pero may progreso kang ginagawa para makapit ang iyong goal. Pagsisikap at lakas ng loob ang kailangan mo upang masolusyonan ang mga isyu at hamon na darating.

Pwede rin itong mangahulugan na may malaking proyekto ang darating sa iyo at matatagalan pa bago ito matapos. Hindi magiging madali ang proseso pero sulit naman ang lahat ng effort at pagod kapag natapos mo na ito.

Repleksyon din ang panaginip mo na mayroon kang hinahanap ngayon at confident ka na makikita at makukuha mo ang bagay na ito na matagal mo na ring inaasam.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.