Abante Tonite Interactive

Umali umapela: ‘Wag magpalinlang sa kritiko

0 387

Nanawagan si da­ting Nueva Ecija Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali sa mga kritiko na ‘wag iligaw at linlangin ang isip ng kanyang mga kalalawigan para lamang maisulong ang mga pansariling interes.

Reaksiyon ito ni Uma­li sa sunod-sunod na atake sa kanyang pamilya sa media kaugnay sa isyu ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon sa dating gobernador, wala pa silang natatanggap na desisyon ng Office of the Ombudsman hinggil sa sinasabing pagkakabasura sa kanyang motion for reconsideration.

“Hindi po natin alam kung saan nila nakuha ‘yung kanilang interpretasyon na bawal na raw tayong tumakbo sa anumang elective position. Well, this is absolutely politics clearly designed to condition the minds of my beloved Novo Ecijanos. This is a reflection of their desperation, nagmamadali sila nang wala sa katuwiran para mapangunahan ang hatol ng ba­yan,” wika ni Umali.

Iginiit pa ng 3-term governor na asawa ng kasalukuyang gobernadora ng Nueva Ecija na si Gov. Cherry Umali, na dugo at pawis ang ipinuhunan ng kanyang pamilya at mga suppor­ter para mabigyan ng totoong pagbabago ang Nueva Ecija.

Samantala, naniniwala ang dating gobernador na reversal order ang ila­labas na desisyon ng Office of the Ombudsman dahil malinaw na pamumulitika at ‘sourgraping’ lamang ang motibo ng isinampang kaso laban sa kanya noong 2008.