Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umamin! Ampon utak sa 2 tsinuging anak ng prinsipal

0 319

Nagkaroon na ng linaw ang pamamaslang kamakailan sa magkapatid na sinasabing anak ng school principal sa probinsya ng Cotabato nang umamin ang ampon ng pamilya na siyang utak sa krimen.

Ito ay matapos na umamin si alyas Christine, ampon ng pamilya-Maguad na siyang mastermind sa pagpatay kina Gwynn at Crisville sa kanilang tahanan sa Purok San Isidro Barangay Bagontapay M’lang Cotabato.

Lumilitaw na galit, inggit at selos umano ang nagtulak sa mga suspek para patayin ang magkapatid.

Maliban sa report ay tumanggi na ang Special Investigation Task Group Maguad na ilabas sa publiko ang pagkakilanlan ng mga suspek dahil patuloy pa nilang hinahanting ang mga kasabwat ni alyas Christine sa karumal-dumal na krimen.

Ang magkapatid ay magugunitang pinaslang noong Biyernes ng gabi, Disyembre 10 sa kanilang tahanan sa Barangay Bagontapay, M’Lang, Cotabato habang wala ang kanilang mga magulang.

Sa inisyal na report ay lumitaw na pagnanakaw ang motibo sa krimen matapos pasukin ng tatlong salarin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.