Abante Tonite Interactive

Umaming ikakasal: Mga fan ni EXO Chen tumutol

230

Araw-araw ay trending si EXO Chen. Simula ito nang magpasabog siya at kumpirmahin ng SM Entertainment na magpapakasal na nga ito sa diumano’y longtime girlfriend. Kasabay rin ang pagiging soon-to-be father niya.

Hindi lahat ng EXOL o mga fan ay naging positibo ang pagtanggap sa revelation ni Chen. Marami ang nagalit. ‘Yung ibang Korean group fans niya, umalis na. Pero marami rin naman ang nakaunawa at nagsabing it’s about time na mabago na ang kultura sa mga fan at idol.

‘Yun nga lang, may mga fan na nagde-demand at nagsisimulang mag-initiate ng boycott na dapat daw, matanggal na si Chen sa EXO. Nagpapakatatag naman ang ibang fan at sa loob ng ilang araw, trending palagi ang hashtag na AlwaysWithEXO.

May mga L sign din na naglalabasang post.

Natuwa rin ang ilang fan sa suportang ipinapakita ng ibang EXO members. Tulad ni Suho na nag-post sa kanyang Instagram account na, “Our relationship is now at a point where we don’t have to speak because a hand sign is enough to know everything.”

Ang ibang EXO members din ay nag-post ng L sign.

Sa ngayon, kung ang mga member ang masusunod, 100% ang pinapakita nilang suporta kay Chen at gusto nila, tuloy-tuloy pa rin ang grupo na kasama si Chen.

Pero siyempre, wala pa ring nakakaalam kung pagkatapos ikasal at magkaanak ay magiging bahagi pa nga ba si Chen ng grupo. Lalo pa nga’t isa siya sa mga una rin na mag-e-enlist na sa military ngayong 2020.