Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umandal papalo sa Bahrain

0 35

Nakatakdang magpasiklab sa sa Bani Jamra club team ng Bahrain League si volleyball stalwart Jao Umandal.

Ibinahagi ng Virtual Playground, handler ng player, ang pagpalo ng 22-year-old open hitter bilang Asian import sa Isa bin Rashid Volleyball League first division.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para masuklian ang binigay nilang tiwala sa Pinoy,” litanya ng dating pambato ng University of Santo Tomas at beterano ng 2019 PH SEA Gmes at 2021 Thailand Asian Club na lumipad na Biyernes pa-Manama.

Bangko man sa SEAG, kuminang si Umandal sa Thai volleyfest sa pagkawala sa nina stalwarts Marck Jesus Espejo at Bryan Bagunas. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.