Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umandal, ‘Pinas 9th placer

0 36

Isang off-the-block spike ni Joshua ‘Jao’ Umandal ang nagbigay sa kanya ng 28 points at huling puntos para sa Rebisco Philippines upang maipagpag ang CEB Sri Lanka, 25-14, 22-25, 25-18, 21-25, 15-11, at pumangsiyam sa 10-team 21st Asian Men’s Club Volleyball Championship 2021 saTerminal 21 Hall ng Nakhon Ratchasima sa Thailand Miyerkoles ng gabi.

Tinuldukan din ng mga Pinoy spiker ang apat na balandra sa nine-nation, weeklong volleyfest sa prelims kontra Foolad Sirjan Iran (15–25, 22–25, 5–25), AGMK Uzbekistan (26–24, 23–25, 18–25, 19–25), Al-Arabi Qatar (19-,25–19, 15-25, 19-25) at Diamond Food Thailand (34–36, 26–24, 28–26, 19–25, 12–15).

Related Posts

Ang magkakampeon dito ang aabante sa FIVB Volleyball Men’s Club World Championships sa ihahayag pang petsa’t lugar. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.