Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umandal, ‘Pinas kinapos

0 95

Humambalos si Joshua ‘Jao’ Umandal ng ng 26 points pero bokya pa rin sa panalo ang Rebisco Philippines sa 21st AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship 2021 prelims, tumilapon sa Diamond Food ng host country sa marathon game, 34-36, 26-24, 28-26, 19-25, 12-15, sa Terminal 21 Hall ng Nakhon Ratchasima sa Thailand Lunes ng gabi.

Iyon ang fourth straight loss sa Pool B ng PH club team sa kabila na may solidong laro si Mark Alfafara na nag-ambag ng 23 markers, at maging si team skipper John Vic De Guzman na nagbaon ng 16 pts.

Bumagsak na rin sa classification match na lang para sa ninth-10th placer ang Rebisco sa 10-team, 9-nation, weeklong volleyfest. Makakalaban ng Pilipinas ang nangulelat sa Pool A na CEB Sri Lanka na may 0-3 at isa pang laro sa prelims.

Hindi rin umubra ang mga Pinoy spiker laban sa Foolad Sirjan Iran, Al Arabi Qatar at Diamond Food Thailand lahat sa three-set lang. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.