Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umatakeng isnatser dinampot

0 72

Nadakma ng operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang snatcher matapos nitong hablutin ang sling bag ng isang babae sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jayson Estoque, 27, residente ng Marikina City habang ang biktima ay si Gemma Melchor, 34, taga-Daang Bakal St., Brgy. Sto Niño, Marikina City.

Ayon kay PCpl Benjie Bautista, nakatalaga sa Cubao Police Station Police Station 7 ng QCPD, alas-5:00 ng madaling araw (Dec. 28), papasok na siya sa trabaho nang marinig na sumisigaw ang biktima.

Hinabol ni Cpl. Bautista ang snatcher hanggang sa maabutan sa Daang Bakal St., Brgy. Sto. Niño, Marikina City, at nabawi ang kinuha nitong sling bag na may lamang cellphone at P 500.00 cash. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.