Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umawat sa LQ, binata kinatay

0 60

Pinagsasaksak at napatay ang isang lalaki nang umawat sa away ng isang mag-live-in sa Que­zon City, Martes ng gabi.

Ang napatay ay na­kilalang si Jason Gapang, 25, helper sa Super Ve­locity Company, habang malubha namang nasu­gatan si Jenny Moñez, 31, kapwa naninirahan sa Sto. Cristo, Barangay Balingasa, QC.

Agad namang na­katakas ang mga suspek na sina Joel Balasbas, 48, helper, at isang alyas ‘Nilo’, kapwa residente ng Sto. Cristo.

Sa report ng QCPD-CIDU, bandang alas-9:00 kamakalawa ng gabi na­ganap ang insidente sa Villanueva Compound, A. Bonifacio Avenue, Sto. Cristo.

SM food to go Banner Ad

Batay sa imbesti­gasyon, nagalit umano si Balasbas nang makita ang live-in partner na nakilalang si Rina, na na­kikipag-inuman sa mga biktiman at dalawa pang lalaki sa harap ng sari-sari store.

Matapos ang inu­man, pauwi na ang mga biktima kasama si Rina nang sumulpot si Bal­asbas kasama si Nilo sa kanilang daraanan na armado ng patalim at batuta.

Galit na kinompron­ta ng suspek ang kan­yang ka-live-in at nang umawat si Gapang ay pinagsasaksak ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang hinambalos na­man ni Nilo ng batuta sa ulo si Moñez. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.