Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umbagerong mister swak sa selda

0 204

Himas rehas ang 32-anyos na mister matapos ireklamo ng kanyang misis na kanyang binugbog matapos na mag-inuman at magkasagutan, sa loob ng kanilang bahay sa Malate, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 o Violence against Women and their Children at physical injury ang suspek na si Jubel Sandana, na nireklamo ng misis na si Shirley, 30.

Naganap ang insidente alas-11:45 ng hatinggabi, sa loob ng bahay ng mag-asawa. Ayon kay Shirley, katatapos lamang nilang mag-inuman kasama ang kanyang asawa nang magkasagutan at habang nakahiga umano siya, hinablot ng mister ang kanyang buhok at sinimulang saktan.

Nanlaban naman ang biktima pero natalo sa lakas ng asawa kaya nang makawala ay nagreklamo sa barangay at kaagad na naaresto ang suspek at tinuluyang sampahan ng kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.