Abante Tonite Interactive

Umento ng mga guro, dagdag trabaho inaabangan sa SONA

By
1,896

Umaasa si Senador Sonny Angara na bukod­ sa pagsusulong ng Universal Health Care bill, itutulak din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ang umento sa sahod ng mga guro at pagsasaprayoridad ng mga dagdag na trabaho sa bansa.

Sinabi ni Angara na ang panukalang Universal Health Care bill ay magbibigay ng access sa mga Pinoy ng komprehensibong health services mula free check-ups, lab tests at gamot hanggang sa libreng hospital treatment at end-of-life care nang walang problemang pampinansyal.

Dapat din anyang tiyakin ng gobyerno ang de kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng disen­teng sweldo sa mga guro.

“Ngayon na ginawa na nating abot-kaya ang lahat ng antas ng edukasyon—mula kindergarten, elementary, high school, hanggang kolehiyo—panahon na para tutukan ang kalidad ng ating edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na suporta sa ating mga guro,” giit pa nito.

Nais din ng senador na marinig sa Pangulo ang pagpaprayoridad ng pagbibigay ng high paying jobs upang mabawasan ang kahirapan.