Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umento sa Mimaropa, Soccsksargen inaprub

0 56

Napipintong magtaas ang minimum wage sa Mimaropa at Soccsksargen matapos mag-isyu ng kautusan ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board para mabigyan ng umento ang mga manggagawa sa dalawang rehiyon.

Nabatid na P35 ang umento sa Mimaropa habang P32 sa Soccsksargen.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), alinsunod sa kautusan ng wage board, ang mga negosyong wala pang 10 ang manggagawa ay magiging P329 na ang minimum wage para sa Mimaropa at P355 naman sa mga establisimiyento na 10 o higit pa ang mga tauhan.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng DOLE, nag-isyu rin ang wage board ng kautusan na nagtataas sa minimum wage ng Soccsksargen na ipatutupad ng dalawang tranche.

Ibibigay ang unang P16 umento oras na epektibo na ang wage order habang ang balanseng P16 ay makukuha sa Setyembre 1, 2022.

Para sa mga nagtatrabaho sa agrikultura, retail at service sector sa Soccksargen, magiging P347 na ang minimum wage at P368 naman sa mga non-agricultural worker. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.