Abante Tonite Interactive

Umento sa pasahe, namumuro sa Grab, Uber merger

By
3,352

Nananawagan si Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine Competition Commission (PCC) na siguruhin na hindi mauuwi sa pang-aabuso at pagsasamantala sa commuters ang service monopoly sa pagsasanib ng transport network providers na Grab at Uber.

“We have a pretty bad experience with mono­polies, and the merger of Grab and Uber is going to result in a virtual monopoly of the transport network vehicular service (TNVS),” babala ni Castelo.

Wala na aniyang mabigat na kakumpitensya ang Grab pero hindi ito nangangahulugan na puwede ng basta na lang magpatong ng mataas na singil sa pamasahe lalo na kung peak hours na magiging pahirap sa commuters.

Inihayag ng mambabatas na dapat maglabas ng panuntunan ang LTFRB para maprotektahan ang publiko.

Kasabay nito hinimok din ni Castelo, na siyang chairman ng House Committee on Metro Manila development, ang LTFRB at PCC na humirit ng written commitment mula sa Grab na walang ipa­tutupad na fare increase dahilan sa mangyayaring merging sa pagitan ng Uber.

“We have to protect consumers from possible price fixing,” pagdidiin ng solon. ()