Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umihi sa bakod dyutay! – Ingles

0 206

Sa social media idinaan ni Joe Ingles ang pang-aalaska sa kabataang umihi sa kanyang bakuran.

May napadaang skateboarder sa gawi ng bahay ng Utah Jazz forward, malamang hindi nakapagpigil at umihi kung saan. Pero nakunan siya ng CCTV.

“To the young skateboarding teenager that pee’d on our driveway/garden… Just a heads up but our security cameras see everything… face & every other small detail,” tweet kahapon ni Ingles.

Astig, makulit sa court si ang 32-year-old, 6-foot-7 forward-guard pero kilalang mapagbiro. Sumasagot din ang Australian sa fans.

May mga sumakay sa kanyang tweet.

“Leak the tape,” pambubuyo ni Evan Turner ng Timberwolves.

“Careful. He knows where you live and urine some trouble now!” sundot ng isa.

May nang-highlight pa sa sinabi ni Ingles na ‘small detail’, kung anuman ‘yung pinatutungkulan niyang maliit na nakunan ng security cam. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.