Abante Tonite Interactive

Umiikot sa mga embahada: Nagla-lobby para palitan si Albayalde, minura ni Locsin

0 430

Mariing kinondena ni Department Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr., ang ilang matataas na opisyal na nagpapahiwatig para palitan sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde.

“Hey, you sh*t, stay away or I’ll f*ck*ng kill you. I don’t give a flying f*ck who your connections are,” ani Locsin sa kanyang official Twitter account.

Sinabi ni Locsin, na isang “Sermonia” ang umiikot umano sa mga embahada ng Pilipinas para i-lobby para maging susunod na PNP chief.

“They can f*ck themselves. There is a certain Sermonia who’s angling to take Albayalde’s job and is making the rounds of my embassies,” ayon kay Locsin.

Nabatid na si Albayalde ay magreretiro na sa susnod na buwan.

Nasa “hot water” ang hepe dahil sa pagkakasangkot sa eskandalo hinggil sa binibigay umano nitong proteksyon sa itinuturing na mga “ninja cop”. (armida d. rico)