Abante Tonite Interactive

Uminom sa kalye pinagtataga sa mukha

By
2,830

Nagtamo ng malalalim na sugat sa mukha ang isang lalaki makaraang pagtatagain ito ng kanyang kalugar dahil sa pag-inom ng biktima ng alak sa kalsada, kahapon ng madaling-araw Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Isinasailalm ngayon sa matinding operasyon sa Valenzuela City Medical Center ang 37-anyos na si Dadizon, may asawa at isang grinder operator.

Wasak ang mukha nito at wakwak din ang hita nang tagain ng factory worker na si Ace Betchachino Dela Rosa, 29-anyos.

Bandang alas-3:45 nang madaling-araw, umiinom sa kalsada ang biktima kasama ang ibang kaibigan sa Sitio Kabatuhan nang biglang umambon at lumabas ng bahay si Dela Rosa at sinabihan ang mga nag-iinuman ng “Bakit nyo hinaharangan itong daan. Taga rito kami!”

Lumapit si Dadizon sa suspek para magpaliwanag pero bigla itong naglabas ng itak na nakatago sa nakatiklop na payong at pinagtataga siya sa mukha. Bumagsak si Dadizon pero tinaga pa rin ito sa kaliwang hita ni Dela Rosa saka tumakas.

Nasakote rin ang suspek sa bahay nito at kinasuhan ng frustrated murder.