Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umiskor ng ika-3 ‘hat trick’: De los Santos ayaw paawat

0 94

Kinumpleto ni dating national karateka Orencio James Virgil De los Santos ang masaganang niyang Kapaskuhan at produktibong taon sa ikatlong pagsungkit ng tatlong gintong medalya sa isang araw bukod pa sa tatlong titulo lang sa mga online international tournament.

“A Merry Christmas indeed. 34th, 35th, and 36th gold! And an additional three Grand Winner titles!,” bulalas Biyernes ng 30 taong-gulang, may taas na 5-5, tubong Cebu pero nakabase sa Maynila at reigning World No. 1 e-kata karateka.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I just concluded three of my last tournaments for this year, the Katana Intercontinental League #5- Super Final, the Golden League Karate E-Tournament #4 – Grand Final and the E-Karate Games Grand Winner 2020,” hirit pa niya.

Pinagtataob ni De los Santos ang mga pambato ng USA, Hungary, South Africa, Sweden, Norway, Belgium at iba pang mga karibal para sa ikatlong panalo sa tatlong ginto sa isang araw lang na una niyang naisakatupan sa una at ikatlong linggo ng buwan.

“What a way to end the year 2020. It has been a blast,” wakas na pahayag ni De los Santos na kasapi ng International SAhotokan Karate Federation (ISKF). (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.