Abante Tonite Interactive

Umorder ng cellphone sa Lazada, toyo ang natanggap

0 222

Pinag-iingat ng isang netizen ang mga mahilig umorder sa mga online store na i-check muna ang biniling item bago ito bayaran para hindi matulad sa nangyari sa kanya.

Hindi kasi naging maganda ang karanasan ng netizen na si Benjie Manalese Jr. sa online shopping at ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook.

Nalaman na um-order si Manalese ng cellphone sa Lazada at dumating naman ang kanyang binili, pero nang buksan na niya ay natuklasang isang brand ng toyo ang pinadala sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

“Maging maingat po tayo sa online shopping gaya ng LAZADA. CELPHONE naging (pangalan ng brand) TOYO. Please check your items before you pay…Share nyo para aware ang mga mahilig sa online shopping,” ayon pa sa FB post ni Manalese.

Wala pang tugon ang Lazada hinggil sa insidente.