Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umpisa 2021! Driver’s license 10 taon na magagamit

0 212

Inihayag ni Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante na kanila nang ipatutupad ang 10 taon na validity ng driver’s license simula sa 2021.

Sa online media forum nitong Huwebes, sinabi ni Galvante na prayoridad na bibigyan ng 10 taon validity ang mga tsuper na walang rekord ng anumang traffic violation na nasa database ng LTO.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, sisimulan ang pag-iisyu ng naturang driver’s license sa Oktubre 2021 bilang insentibo sa mga tsuper na sumusunod sa batas trapiko.

Hindi aniya lahat ng tsuper na kukuha ng lisensiya sa susunod na taon ay agad na bibigyan ng driver’s license na may 10 taong validity dahil mayroon ding demerit system laban sa mga traffic violator.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.