Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umulan-umaraw sakit ng ulo ang overpass, flyover

0 202

So eto na nga, sinabi na ng PAGASA na humanda-handa na tayo at unti-unti nang nagbabagong anyo ang panahon dahil mula sa tirik na tirik na sikat ng araw ay papunta na tayo sa panahon ng tag-ulan na hindi malayong magresulta sa pagbaha.

Hindi lamang ang mga butas ang bubong o mga nakatira sa mababang lugar ang sasalubong ng problema pagdating ng panahong nabanggit dahil ang mga motorista o yaong mga nagmamaneho ng behikulong apat ang gulong pataas ay dapat ding magbaon ng ibayong pasensiya habang ang mga kamay ay kapit sa manibela.

Kailangan kasi nilang tanggapin ang katotohanang pagsapit ng tag-ulan ay mababalagoong na naman ang daloy ng mga sasakyan pagsapit sa ilalim ng mga overpass at silong ng mga flyover dahil magkukumpulan na naman sa mga ito ang mga rider o yaong nagmamaneho ng mga motorsiklo.

Maaring hindi matutuwa ang mga rider na makakabasa nito subalit kailangan nilang tanggapin ang mga ganitong uri ng pagpuna upang maisip na bagama’t pagsilong lamang ang kanilang pakay ay maraming naabala sa kanilang ginagawa.

Isang halimbawa ay ang Quezon Avenue tunnel na kung saan, tuwing umuulan ay halos iisang lane na lamang ang nadadaanan ng mga motorista dahil ang kalahati ay halos sinakop na ng mga nakamotorsiklong nagpapatila mula sa pagbuhos ng ulan.
Ang malungkot pa, hindi sila hinuhuli ng mga awtoridad dahil halos karamihan sa mga enforcers o yaong mga nakatalaga sa mga kalye ay kagaya rin nilang motor ang ginagamit sa paglalakbay.

Hindi rin maliwanag kung ang mga umiiral na batas-trapiko sa bansa ay sakop ang mga ganitong pangyayari dahil puwede namang ikatuwiran ng mga nagpapatila ng ulan na ayaw nilang mabasa at magkasakit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At ang matindi, ang mga mambabatas na kabilang ang transportasyon sa mga ipinagmamalaking adbokasiya ay hindi rin ito binibigyan ng atensiyon, lalo pa nga’t malapit na naman ang halalan at baka samain sila sa mga botanteng rider kung magsasalita ng taliwas sa ginagawa ng mga ito.

Kung babalikan naman ang tag-araw, maliwanag din naman kung anong perhuwisyo na ang inaabot ng mga motorista mula sa mga rider.

Nariyang takbuhan ka matapos masagi at magasgasan ang iyong sasakyan, abalahin ka ng todo kapag tingin nila ay sila ang agrabyado, bukod sa tila natural na lamang na paglabag nila sa batas-trapiko gaya ng kaliwa’t kanang pagsingit at pagdaan sa mga bike lanes na hindi masyadong mahigpit ang LGU na nakakasakop.

Parami nang parami ang nagmomotor pero nakakalungkot isipin na imbes na humigpit ang sistema ng trapiko para sa kanila ay tila lalong nawawala sa direksiyon.

Nabanggit ko lang ito para mag-isip isip na talaga tayo kung saan tayo patungo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.