Abante Tonite Interactive

Umuulan ng diamond sa planetang Neptune at Uranus

109

Alam n’yo bang minsan nang umulan ng napakaraming palaka na dala ng isang buhawi.

***

Ayon sa pag-aaral, 2/3 ng ibabaw ng daigdig ay puro tubig. Kung patag ang ating planeta, mailulubog sa lalim na dalawang milya ang ating kapatagan.

***

Ang Venus ang itinuturing na may pinakama­init na klima. Umaabot sa 800 degrees ang temperatura sa Venus na mas mainit kumpara sa Mercury dahil sa mga ulap at carbon dioxide na humihigop sa init na nangga­galing sa araw.

***

Alam n’yo bang posibleng lumutang ang pla­netang Saturn kung ilalagay ito sa isang malaking bowl na puno ng tubig.

***

Dalawampung porsiyento ng kapatagan ng ating planeta ay binubuo ng mga disyerto at ang pinakamalaking ­disyerto ay matatagpuan sa North Africa, ang Sahara ­desert.

***

Ang Mt. Everest ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na 29,028 feet.

***

Ang Amazon rain ­forest ang nagsu-supply ng almost one-fifth ng oxygen ng planetang Earth.

Related Posts

***

Tinatayang umaabot sa walong trilyong galon ng tubig ang dumadaloy palabas ng Amazon ­river papuntang Atlantic Ocean.

***

Ang Lake Baikal na matatagpuan sa Russia ang itinuturing na pinakamalalim na lake sa buong mundo.

***

Ang itinuturing na pinakamalalim na kuweba ay ang Pierre St. Martin Cave na matatagpuan sa Pyrenees Mountains sa pagitan ng Spain at France. Ito ay may lalim na 4,730 feet deep.

***

Ayon sa pag-aaral, habang tayo ay nakatayo at ‘di natin nararamdaman, ang grupong ating kinabibilangang galaxy ay gumagalaw ng one million miles per hour papunta sa isang galaxy group na Virgo Cluster.

***

Ayon sa mga siyentipiko, regular na umu­ulan ng diamond sa pla­netang Neptune at Uranus.

***

Ang Jupiter ay mayroong giant red spot na parang tornado na ang sukat ay tatlong beses ang laki ng planetang Earth.

***

Ang ­pinakamalaking crater sa buwan ay may sukat na 183 miles across.