Abante Tonite Interactive

UN commissioner walang utak — Duterte

By
1,539

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng United Nations Commission on Human Rights at tinawag na walang laman ang ulo o wala itong utak.

Partikular na pinatungkulan ng Pangulo ay si UN High Commissioner on Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein, prinsipe ng Jordan, na­ kritiko ng kanyang anti-illegal drug war at sa isyu ng extrajudicial killing.

Sa kanyang talum­pati kahapon sa Bo­nga­bong, Oriental Min­­doro, sinabi ng Pangulo na pinayuhan siyang iwasang magkomento laban sa UN High Commissioner ngunit nais niyang maghiganti.
“Ang gusto kong sabihin sana, hoy P*****i** mo, commissioner ka. Ako kailangan magpunta sa psychiatrist. Sabi ng psychiatrist sa akin, ‘Okay ka man mayor. Palamura ka lang.

Either mayabang ka o talagang bastos ka. So on both counts, yes. Pero ‘yung nag-criticize sa ‘yo, sabihin mo rin sa kanya na parang tingin ko, walang laman ‘yung ut—’yung ulo niya’,” sabi ng Pangulo.

Matatandaang uminit ang ulo ng Pangulo matapos pagsabihan ito ng naturang opisyal ng UN na dapat magpatingin sa psychiatrist dahil sa mga ginagawa umano sa bansa lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.