Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UN inginuso sa terror tag kay Joma, 18 pa

0 350

Nakabase sa United Nations (UN) Security Council resolution ang ginawang pagmarka sa ilang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) bilang mga terorista, ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Aniya, ang naturang “terrorist tag” sa ilang CPP member, kabilang ang founding chairman na si Jose Maria Sison, ay nakabase sa UNSC Resolution 1343.

Katunayan ayon kay Esperon, ang CPP ay sinasabing terorista sa mata ng European Union, United States, Australia, Canada at New Zealand.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 372 noong 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dineklara rin ang CPP at New People’s Army bilang terrorist organization, kaugnay sa Republic Act No. 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

“All of these designations were combined for the CPP-NPA to be designated as terrorists, as provided for in the new Anti-Terrorism Act,” ani Esperon.

Kasama sa listahan ang asawa ni Sison na si Julieta, Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, at mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon, pawang miyembro ng CPP Central Committee. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.