Abante Tonite Interactive

UN reso ‘wag pansinin! — Roque

449

Hindi dapat na pag-aksaya­han ng panahon ng gobyerno ang ipinasang resolusyon ng Unite­d Nation Human Rights Council (UNHRC) para mag-imbestiga sa war on drug ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na isa ring Internationa­l Law expert matapos pagbotohan ng UNHRC members ang resolusyong inihain ng Iceland.

Sinabi ni Roque na walang kapangyarihan ang UNHRC dahil hindi ito husgado kaya’t walang kakayahang magpakulong.

Ang tangi aniyang papel ng UNHRC ay magmonitor kung sinusunod ng mga bansang miyembro ng UN ang pinasok na kasunduan at responsibilidad.

“Hindi natin dapat pag-aksayahan ng panahon yan. Ang Human Rights Council ay walang kapangyarihan ‘yan. ‘Yan po ay hindi husgado, hindi gaya ng ICC na puwedeng magpakulong. ‘Yan po, ang kanyang katungkulan lamang ay i-monitor kung talagang tumutupad sa tungkulin ang mga bansang miyembro ng United Nations.

May kinalaman ang CPP-NPA Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang posibleng nasa likod ng pagbibigay ng maling impormasyon sa UNHRC dahilan upang hilingin nito ang imbestigasyon sa patayang nagaganap laban sa war on drugs ng bansa.

Ayon kay PNP chief Gene­ral Oscar Albayalde, hindi imposible na CPP ang nasa likod ng pagsusubo ng mga maling impormasyon dahil mayroon silang mga koneksyon at bilang parte ng kanilang propaganda laban sa administrasyon. (Aileen Taliping/Edwin Balasa/Dolly Cabreza/Dindo Matining)