Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unahin bakuna bago luwagan quarantine – Go

0 46

Iginiit ni Senador Bong Go na magkaroon muna ng bakuna laban sa COVID-19 bago payagang luwagan ang community quarantine sa Metro Manila.

“Para sa akin, personally, bakuna first. Vaccine rollout first bago ninyo buksan. Vaccine rollout first bago natin luwagan ang ating ekonomiya,” pahayag ni Go.

Ayon sa senador, delikado pa rin ang sitwasyon sa bansa kung hindi ipatutupad ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Sabi ni Go, tatalakayion sa cabinet meeting sa susunod na linggo ang naturang panukala para isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa subalit para sa kanya ay importanteng magbakuna muna. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.