Abante Tonite Interactive

Unang 3 kaso ng COVID-19 naitala sa Bicol

577

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) regional office sa Legazpi City ang unang tatlong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bicol.

Sa panayam kay Dr. Ernie Vera, DOH Bicol regional director, sinabi nito na dalawa sa COVID-19 case ang in-admit sa Bicol Regional and Training Hopital (BRTTH) habang nasa Bicol Medical Center (BMC) ang isa pang pasyente.

“Per DOH Tracker, PH 765 is a 50-year-old male while PH 766 is a 53-year-old male both admitted at the BRTTH. PH763 is a 48 –year-old female admitted at the BMC,” ayon kay Dr. Vera.

Makikipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa mga ospita at local government unit para sa contact tracing ng mga taong nakasalamuha ng tatlong COVID-19 positive.

Tiniyak din ni Vera sa publiko na nagsagawa na sila ng infection control sa mga ospital kung saan dinala ang tatlong pasyente para masiguro ang kaligtasan ng mga healthcare worker.

Nanawagan na rin ito sa mga Bicolano na makipagtulungan upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-9 sa rehiyon.

Gayundin, hiniling ni Vera na huwag magpapakalat ng mga mali at hindi beripikadong impormasyon upang hindi magdulot ng panic at pagkatakot sa panig ng mga mamamayan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad