Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unang araw ng Marso: Higit 2k bagong COVID case

0 227

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19.

Sa COVID-19 Case Bulletin No. 352 ng DOH nitong unang araw ng Marso, inihayag na may 2,037 ang bagong kaso habang nadagdagan naman ng 86 ang gumaling at apat ang bagong namatay.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa mahigit 2,000 kaso kaya umakyat na sa 578,381 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 31,708 naman ang kabuuang aktibong kaso samantalang 534,351 na ang gumaling sa COVID-19 at 12,322 na lahat ang nasawi sa virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.