Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unang bagyong `Auring’ bubuhos sa Biyernes

0 83

Posibleng maging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na huling nakita sa Mindanao.

Sakaling lumakas, magiging kauna-unahan itong bagyo na papasok sa bansa ngayong taon at tatawaging Bagyong Auring.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa darating na Huwebes pa magdadala ng pag-uulan ang LPA na huling namataan 1500 east ng Mindanao. Kung hindi magbabago ang galaw nito ay sa Biyernes inaasahang lalakas at magiging bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung sakali ito ang unang bagyo ngayong 2021. Hanggang tropical depression category. Di natin nakikita na mag-iintensify,” paliwanag ni PAGASA Foreaster Ana Clauren.

Sinabi ni Clauren na hindi nila inaasahang magiging masyadong malakas ang Bagyong Auring ngunit magdadala ito ng maraming ulan dahil sa pagkakaroon nito ng malawak na kaulapan. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.