Abante Tonite Interactive

Unang beer

161

Sa bansang ­Japan, ­hinahayaan ng mga ­magulang na paiyakin ng isang professional summo wrestler ang kanilang anak dahil itinuturing nila itong suwerte sa buhay.

***

Sa pagitan ng taong 1900 hanggang 1920, ang larong Tug of War ay kasama sa Olympic team event.

***

Ang unang beer ay ginawa ng mga ancient Chinese. Ayon naman sa Code of Hammurabi, ang sinumang bartender na mapapatunayang hinaluan ng tubig ang beer ay hahatulan ng parusang kamatayan.

***

Ang sea otter ay matatagpuan sa baybayin ng Pacific Ocean, sila ang itinuturing na may pinakamakapal na balahibo sa ­animal kingdom. Ang sea otter ay palaging makikitang magkahawak kamay habang kumakain at natutulog nang nakalutang sa dagat para hindi magkahiwalay. Ang sweet nila ‘di ba?

***

Ang mga paru-parong sa gabi lang lumalabas ay may espesyal na tenga sa kanilang mga pakpak para hindi maging biktima ng mga paniki.

***

Ang pesteng balang ay kayang kumunsumo ng pagkain na kasing bigat ng kanilang sariling timbang sa loob lamang ng isang araw, samantalang ang isang normal na tao naman ay nagagawa ito sa loob ng kalaha­ting taon.

***

Kinakailangang lumipad at maglakbay ng isang bubuyog ng 43,000 milya upang mangalap ng nectar para makaipon ng 1 lb. na pulot.

***

Ang praying mantis ay ang tanging insekto na kayang paikutin ang kanilang ulo sa magkabilang panig ng 180 ­degrees.

***

Ang ilang lala­king gagamba ay kinaka­labit na parang gitara ang kanilang sapot na bahay para magpapansin sa mga babaeng gagamba.

***

Nagagawang ipagaspas ng isang lamok ang kanyang mga pakpak nang 500 ulit kada segundo.