Abante Tonite Interactive

Unang hakbang ng eSports patungo sa 2020 Olympics

By
175

Isa lamang demons­tration sport sa ngayon ang electronic sports sa ginanap na 18th Asian Games pero agad na nagpakita ng malawak na presentasyon ang mga namamahala sa ikinukonsiderang pinakabagong disiplina sa mundo ng matin­ding kahandaan upang maging lehitimo itong sports.

“Although the International Olympic Committee (IOC) considers that there is still a far difference and distance for eSports from the usual and regular sports played in the Olympics, we are optimistic that laying the groundworks will eventually put the sports into a regular medal event,” sabi ni Kenneth Fok, presidente ng Asian Electronic Sports Fe­deration (AESF).

Optimistiko ang mga opisyal ng AESF kasama ang nag-organisa ng events sa Jakarta, Indonesia sa pinakaunang torneo ng electronic sports sa kada apat na taong torneo na nakumbinsi nila ang IOC sa pagtungo nito at pananood mismo ng presidente na si Thomas Bach.

“He (Bach) give us three points for the sports which is be inclusive, to include the women, urbanized which is to put the sports to be accessible to the most numbers of participants and help in education and educate the players,” ani Fok.  

Naniniwala rin ang mga opisyal na magagawang nila ipakita na ang mga gamer ay nabibilang sa programa na tulad sa mga nagsasanay nang pisikal tulad ng marathon runners, boxers at soccer players at sa isang professional sport.

Hindi maiisantabi ang popularidad ng eSports base sa pagdumog ng mga manonood sa ginanap na anim na laro sa Britama Stadium na nilahukan ng 185 atleta mula sa 45 bansa sa rehiyon ng Asya.

Kailangan pa nitong limitahan sa mga National Olympic Committee ang paglahok ng mga manlalaro ng professional electronic gaming na umaabot na ngayon sa tinatayang 250 million player sa buong mundo na may papaangat pa na market worth na isang bilyong dolyar kada taon.

Ang pagdagdag ng IOC sa mga kinahuhumalingang sports tulad ng skateboar­ding at sports clim­bing sa Tokyo 2020 ay isang indikasyon na nais nitong bigyan ng pagkakataon na mapalaki ang sports na nakatuon sa mas maraming kabataan.