Abante Tonite Interactive

Unang lotto bilyonaryo bokya pa rin

120

Wala pa ring mapalad na nakahagip ng jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na umabot na sa P1.02 bilyon sa ginawang draw Martes nang gabi.

Sabi ni Florante Solmerin, deputy spokesman ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nasungkit ang kombinasyong 12-16-46-03-38-36 namay kabuuang premyong P1,026,264,340.

Pebrero 2018 nang huling tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto.

Ang P1.02 bilyon ang pinakamataas na jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa Pi­lipinas.

Noong Hunyo 2010, umabot sa P741 milyon ang tinamaan na jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na tinayaan sa outlet sa Subic Bay Freeport ng isang balikbayan mula sa US.