Abante Tonite Interactive

Unang pagkikita: Matteo pumila sa meet and greet ni Sarah

1,015

Kahit marami ang nakakaalam ng pagsisimula ng love story nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo way, way back, nakakakilig pa ring marinig ang detalye ng una nilang pagkikita.

Ikinuwento ng dating handler ni Matteo na si Donna Seachon nang detalyado kung paano ang naging unang pagkikita ng engaged couple noong time na crush na crush pa lang ng aktor si Popstar.

That time ay nasa management pa ni Joji Dingcong si Matteo at si Donna ang kanyang handler na kasa-kasama ng aktor parati.

Sa kuwento ni Donna sa panayam niya kay MJ Felipe ng ABS-CBN, sa simula pa lang ay sinabi na ni Matteo na crush nito si Sarah. That time ay hindi pa raw magkakakilala ang dalawa at hindi pa nagkikita talaga nang personal.

One time ay nagkaroon ng concert si Sarah sa Lipa, Batangas at dumayo raw talaga sila ni Matteo para manood. Ayon kay Donna, talagang pumila sila sa meet-and-greet ni Sarah before the concert at nasa pinakadulo pa sila ng linya.

“Talagang excited siya (Matteo), talagang nu’ng pagdating namin do’n, alam mo ‘yung parang… excited! Talagang hindi mo maipinta ang mukha niya, talagang gusto niya nang ma-meet,” kuwento ni Donna.

Nu’ng meet-and-greet time na ay nakapila sila at marami na raw fans na nakakakilala kay Matteo pero okay lang sa aktor.

When finally ay umabot na ang linya nila kay Sarah ay in-introduce raw niya ang dalawa. Nagpa-picture ang dalawa na siya ngang ipinost ni Matteo kamakailan sa kanyang IG account na throwback photo nila ng girlfriend. Iyon bale talaga ang first meeting nila.

At nang makita na raw ni Matteo na mag-perform nang ‘live’ si Sarah since sa video lang niya ito nakikita before, talagang amazed na amazed daw ang aktor at nakatingin lang daw talaga kay Popstar.

“And nu’ng pauwi kami, sobrang happy niya. Alam mo ‘yung kinikilig,” sey pa ni Donna.

Kaya nga, sobrang happy niya na pagkatapos ng mahahabang taon, finally ay engaged na sina Sarah and Matteo.

When asked kung alam ba niya kung kailan ang kasal, ayon sa dating handler ay hindi pa.

“Pero may naririnig na ako na baka next year or something. Pero naririnig lang, walang confirmation pa sa parehong parties or sa family,” she said.

Ate Rida: Digong binalaan si Pacquiao

Dahil nga ang ingay ng balitang tatakbo si Sen. Manny Pacquiao sa pagka-Presidente sa susunod na eleksyon, hiningan namin ng reaksyon tungkol dito si San Jose del Monte Representative Rida Robes.

“Ako ha, pointblank, hindi man diretso, si Jinkee (Pacquiao, wife of Pacman) is very beautiful, ang gaganda ng anak niya, marami siyang pera because of his hirap sa pagbo-boksing, ano pa ang kailangan niya?

“Pwera na lang kung sasabihin niyang gusto pa niyang makatulong sa taong bayan, it’s a different story,” pahayag ni ate Rida (tawag sa kanya ng mga constituents niya) nang makapanayam namin sa get-together with the entertainment press recently.

“For me, it’s actually his call, not the call of the people. ‘Yun ang sa akin lang. Kasi the President (Rodrigo Duterte) reminded him already. Totoo naman, mahirap maglingkod nang tuwid at tama,” pahayag pa ni Cong.

Pinaalalahanan na raw ni Digong si Pacman na kung tatakbo ito for Presidency ay mag-isip muna ng million or billion times at sana raw ay sundin ito ng Senador.

“At kung okay siyang isakripisyo ang lahat ng bagay, then go!” sambit pa ni ate Rida.

Samantala, nais magpasalamat ni Congresswoman Robes sa suporta ng media pati na rin ng mga tao sa lahat ng kanyang mga proyekto para mas lalo pang mapaganda ang SJDM with the help of her husband na rin na si City Mayor Arthur Robes.

Maaga ang Pasko sa SJDM dahil starting Dec. 1 ay sisimulan na nila ang kanilang Christmas family treat hanggang December 17. Ito raw ay taon-taon naman din nilang ginagawa.

Sa Dec. 18 naman ay inaanyayahan niya ang lahat ng San Joseno na saksihan ang Christmas Tree Lighting sa harap ng munisipyo.