Abante Tonite Interactive

Unang panalo bigay ni Victoria sa Mapua

162

Nasungkit na ng Mapua Cardinals ang unang panalo sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament matapos talunin ang host Arellano University Chiefs, 73-64, sa second game kahapon sa Cuneta Astrodome.

Hindi naging madali para sa Cardinals ang laro dahil nakakuha lamang sila ng kalamangan sa dulo ang ikatlong yugto ng laro.

Nagsilbing sandata ng Cardinals si Laurenz Victoria nang kumalawit ng career-high 29 points, kasahog ang walong rebounds at tatlong assists.

Kasangga ni Victoria sa opensa si Paolo Hernandez na gumawa ng 11 points sa 4th quarter para sa kabuuang 14 markers upang tulungang makuha ang unang panalo ng Mapua sa anim na salang.

Parehong 1-5 kartada naman ang sinapit ng biktima nilang Chiefs.

Nanguna sa Arellano sina Archie Concepcion at Rence Alcoriza na may 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakabanggit. (Aivan U. Episcope)