Abante Tonite Interactive

Unang Pinoy na lumabas sa telebisyon

123

Si dating ­Pangulong Elpidio Quirino ang itinuturing na unang Pinoy na lumabas sa telebisyon. Naganap ito noong Oktubre 1953 sa unang telecast ng ­Alto Broadcasting System (ABS) kung saan ay ipi­nalabas ang isang pagdiriwang sa tahanan ni Quirino.

***

Ang Pinay actress na si Elizabeth ‘Dimples’ Cooper ang unang artis­tang babae na nagkaroon ng on-screen kiss sa isang pelikulang Pi­lipino na pinamagatang “Ang Tatlong ­Hambog”. Silent movie ito na pinagbidahan ni Dimples kung saan ay kanyang nakatambal ang aktor na si Luis Tuason.

***

Ang pelikulang “Ang Tatlong Hambog” ay isang silent movie na ginawa ni Jose Nepomuceno noong 1926. Itinu­ring na ­kontrobersyal ang pelikulang ito ng panahong iyon dahil ­dito naganap ang kauna-unahang halikan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

***

Si Jose ­Nepomuceno ay isa sa mga unang ­direktor ng ­pelikulang Pilipino. Ang una ­niyang ginawang pelikula ay ang silent movie na pinamagatang “Dalagang Bukid” na ipinalabas noong 1919.

***

Pinagbidahan ng ­aktres na si Atang ­dela Rama ang “Dalagang Bukid”. Si Dela ­Rama ay naging National ­Artist of the Philippines.

***

Isa pa sa ginawang pelikula ni Jose Nepomuceno ay ang “Un (El) Capullo Marchito” o “A Wilted Rosebud” na pinalabas noong 1920. Pinagbidahan ito ng ­aktres na si Luisa Acuda na naging sikat na leading lady ng silent films sa Pilipinas.

***

Ang pelikulang ­“Dahil sa Isang Bulaklak” ay isang drama film na si Luis Nepomuceno ang director. Ipinalabas ito noong 1967 at ­napili bilang kalahok ng Pilipinas para sa Best Foreign Language Film sa 40th Academy Awards. Gayun­man, hindi tinanggap ang nominasyon ng ­pelikula sa Academy Awards. Ito rin ang unang colored film ng Pilipinas.