Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unang Pinoy na nagka-UK COVID variant gumaling

0 211

Dineklara nang fully recovered ang lalaking unang nagpositibo sa COVID-19 UK variant sa bansa matapos magnegatibo sa huli niyang swab test sa Quezon City.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), sasailalim na lamang sa final assessment ang lalaki bago ito payagang makauwi sa kanyang pamilya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang nasabing lalaki na taga-Brgy. Kamuning ay bumiyahe sa Dubai at dumating sa bansa nitong January 7.

Samantala, binalaan naman ni Mayor Joy Belmonte ang komunidad na kaniyang nasasakupan laban sa diskriminasyon dahil ito umano ay may katapat na kaparusahan sa ilalim ng ‘anti-discrimination Ordinance.

“Sa panahon ngayon, huwag na nating bigyang puwang ang diskriminasyon dahil wala itong naitutulong at nakakabigat pa sa sitwasyon. Sa halip na pandirihan, ipakita natin ang ating pagmamahal sa kanya at iparamdam na tayo’y masaya na siya’y magaling na,” apela ng lady Mayor. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.