Abante Tonite Interactive

Unang ‘Pixnoy’ film sa sinehan ilang tulog na lang

0 177

Ilang araw na lang, mapanonood na ang kauna-unahang all-CGI Fi­lipino character ng short film na ‘Float’ mula sa Filipino-American Pi­xar animator na si Bobby Rubio.

Enero 11, 2019 nang unang kumpirmahin ni Rubio sa Twitter na siya ang manunulat at direktor ng isa sa anim na experimental short story ng Pixar Animation Studies na tinaguriang ‘SparkShorts’.

“YES @rachjuramirez those are Filipino lead characters in my #Pi­xar #SparkShort! @Pixar’s first all #CGI Filipino characters! So technically, the first #Pixnoys!,” tweet ni Rubio, Enero 11.

Mapanonood ang ‘Float’ ngayong Nobyembre 12, 2019.