Abante Tonite Interactive

Unang titulo matamis kay McCullough

404

Napakasarap sa pakiramdam!

Ganito inilarawan ni San Miguel import Chris McCullough ang kanyang pakiramdam matapos makamit ang unang korona sa PBA nang magkapmeon ang Beermen sa Commissioner’s Cup kontra TNT KaTropa sa anim na laro.
Si McCullough ay matatandaang pumalit kay Charles Rhodes sa kalagitnaan ng conference.

“It feels great,” sabi lamang ng mula sa Brooklyn, New York at napili bilang first-round NBA pick ng Brooklyn Nets noong 2015 na si McCullough.

Ang 6-foot-9 na na-ging 29th overall pick ng 2015 NBA Draft ay nakatakda namang maglaro para sa koponan ng KGC matapos itong pumirma ng napakalaking kontrata.

Gayunman, nais mu-ling maglaro ni McCullough para sa Beermen kung muling kukunin ang kanyang serbisyo. (Lito Oredo)