Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unang titulo sa 10 taon: Pagunsan bumida sa Mizuno Open

0 177

Nadale na rin sa wakas ni Juvic Pagunsan ang unang titulo sa loob ng 10 taon sa Japan Golf Tour nang pagharian ang 48th JGT 2020-21 13th leg, ¥80M (P35.2M) 51st Mizuno Open sa JFE Setonaikai Golf Club sa Okayama City, Okayama Prefecture Linggo.

Finally, after 10 years”, bulalas ng 43-year-old Pinoy shotmaker na tubong Bacolod na biniyayaan ng ¥12M (P5.2) sa napaigsing three-round event matapos ulanin ang opening round noong Huwebes.

Bumira si Pagunsan ng four-under par 68 makaraang makaposte ng three strokes sa halfway mark sa binirang maangas na 65 patungo sa 17-under par 199 kasama ang 66 upang madale rin ang isa sa dalawang silya para sa 149th British Open 2021 sa England sa darating na July 15-18.

Naging kakaiba pa ang tagumpay niya dahil sa wala siyang caddie o siya ang nagdadala ng kanyang bag at ilang iron pa ang binawas doon upang gumaan, naglarong may 11 clubs lang. Kaya kinailangan niyang mag-adjust ng club na mga taktika. Kinontrol niya ang mga tiradang pataas at pababa na kanyang kinabisado sa bawat hole tungo sa tagumpay.

Ang runner-up sa kanyang si home bet Ryutaro Nagano ang isa pang papalo sa British Open, naiwan lang ng tatlong stroke at tumanggap din ng $6M. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.