Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unang turok! Digong bet China bakuna, Leni `di sigurado

0 60

Mas gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na bakuna mula sa China ang iturok sa kanya laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng patuloy na pangungulit sa Pangulo na isapubliko ang pagpapabakuna nito.

“I know of the decision of the President already. I can say that the President’s decision is consistent that he prefers Chinese but I am not at authority to make public that decision. The President will make that pronouncement himself,” ani Roque.

Gayonman, hindi sinagot ni Roque ang tanong kung ipapakita ba ng Pangulo sa publiko ang pagpapabakuna nito.

Matatandaang inihayag ng kalihim na hindi ipapakita sa publiko ang pagpapabakuna ni Pangulong Duterte dahil sa puwet aniya ito magpapaturok.

Samantala, hindi masabi ni Roque kung kasama si Vice President Leni Robredo sa mga prayoridad na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa harap ito ng pahayag ni Robredo na handa siyang isapubliko ang pagpapabakuna para ipakita sa mga tao na walang dapat ikatakot sa COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Roque na aalamin niya kung kasama si Robredo sa listahan ng mga unang mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19 ng gobyerno.

“Tingnan po natin sa listahan where she falls in the order of priority,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.