Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Unang tweet sa mundo, P121M ang presyo

0 321

Ngayon ang ika-15 taong anibersaryo ng kauna-unahang tweet sa mundo.

Ang mga salitang “just setting up my twttr” ang naging tweet ni Twitter CEO Jack Dorsey, kasabay ng paglulunsad sa global platform na naging controversial at dominant force na sa civil society.

SM food to go Banner Ad

Ipinagbibili ngayon sa auction ang maiksing tweet ng Twitter CEO noong March 21, 2006, kung saan umabot sa $2.5 million o P121 milyon ang pinakamataas na bidding, ayon sa Bangkok Post report.

Ilan sa naging kontrobersiya sa Twitter ang pagbura sa account din dating US president Donald Trump noong Enero matapos akusahan ng pag-uudyok sa kanyang mga tagasuporta ng marahas na pag-aalsa sa US Capitol.

Layunin umano ng protesta ng mga Trump supporter na baliktarin ang resulta ng eleksyon, na nagpatalsik kay Trump at nag-upo sa bagong US president na si Joe Biden. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.