Abante Tonite Interactive

Unang upo ni Dillinger sa Ginebra olats agad

0 401

Nitong Miyerkoles, sa unang pagkakataon ay naupo si Jared Dillinger sa bench ng Ginebra.

Sa higit 10 taon sa PBA, dati ay nasa opposing side ang 6-foot-4 guard/forward. Sa bagong senaryo, naranasan niya ang pakiramdam ng nasa pinakapopular na koponan sa liga.

“Obviously, they’re the most popular team in the Philippines, so it’s a pretty good feeling knowing that the whole country is behind your back,” ani Dil­linger, 35.

Ang ‘di pa niya naranasan ay kung paano i-cheer ng Ginebra diehards habang nasa floor.

‘Di lang maganda ang resulta ng upo ni Dillinger, natambakan ang Gins sa Rain or Shine 104-81 at napigil sa 2-2 sa Commissioner’s Cup.

‘Di pa sigurado kung kailan ang balik ni Dillinger, pero natuwa siya na suportado siya ng team habang nagpapagaling mula quadriceps muscle injury.

Mayo 31 nang kunin ng Ginebra si Dillinger mula sa unrestricted free agent list ng Meralco, pinaglaruan niya sa nakalipas na anim na taon. (Vladi Eduarte)