Abante Tonite Interactive

Undefeated Champion binura ni Pacman: Beh buti nga — Imee

713

Inulan ng pagbati mula sa mga showbiz celebrities ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa muling pagbibigay ng karangalan sa ating bansa nang talunin niya ang American boxer na si Keith Thurman kahapon (Sabado sa US).

Ilan sa nakita n­aming nag-congratulate ay sina Zsa Zsa Padilla, Richard Gomez, Joey de Leon, Aaron Villaflor, John Prats, Karla Estrada, Gabby Eigenmann, Kristoffer Martin, Mark Bautista and more.

Post ni Goma, “Congratulations to the legendary Manny Pacquiao! The best Filipino fighter the Philippines ever had.

Maraming Salamat sa tagumpay!”
Tweet naman ni Kristoffer Martin na panay ang bigay ng update sa Twitter, “Congraaaats Manny!! Sobrang nakakakaba yung split decision na yon!”

Maging ang mga kapwa politiko ay nagbigay rin ng kanilang pagbati sa Senador.

“You got this Champ! Best to our friend and colleague Senator @mannypacquiao in today’s fight against Thurman,” pagbati ni Sen. Sonny Angara.

Post naman ni Sen. Grace Poe, “congrats, seatmate!”

Kaaliw naman ang post ni Sen. Imee Marcos, aniya, Congrats Sen Manny – Thurman didn’t get to punch a senator! Beh buti nga haha.”

Nanalo si Pacman via split decision sa scores na 114-113, 115-112, at 115-112. Ito ang first ever defeat ni Thurman in his boxing career at kantyaw nga ng mga netizen, ngayon ay maalis na ang title na “undefeated champion” sa kanyang pangalan.

Bianca ‘robot’ kay Migo

Ganu’n na lamang ang papuri ni Migo Adecer sa leading lady niya sa Sahaya na si Bianca Umali. Unang-unang ikinaa-amaze niya sa aktres ay ang bait at sipag nito na hindi raw niya alam kung paano ginagawa.

“I don’t know how she can do it, I don’t know how she can stay mabait in the, like, longest days of taping. Like I mean, I guess, maybe, sanay na siya because of all the shows, because she’s regular lead, you know, from her last show, Kambal Karibal,” sey ni Migo nang makausap namin sa set ng Sahaya last Friday.

Siyempre madalas ay inaabot ng umaga ang kanilang taping at si B­ianca raw ay nakangiti pa rin at napakasipag pa rin.

Samantalang siya raw, first time niyang naranasan ang magdamagang taping dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng mahabang role.

“It’s my first time to be on set for a longest time, because usually, I’ll only have 4 scenes and they send me home early, before. And then now, it’s like from mor-ning till mor-ning.

“And Bianca’s you know, still hardworking, still pushing, still smiling and here I am, going like, “oh, wow! Tapos na ba? Pack-up? Hindi pa? 10 sequences pa? Oh my God!” I’m really like that,” kwento ni Migo.

“And I said to myself, you know what? That’s why Bianca is in the position she is now, this is why her career is the way it is, it’s becasuse she’s hardworking, and she is a perfect definition of what a professional should be,” dagdag pa ng aktor na gumaganap na Jordan sa Sahaya.

Hindi raw niya alam kung bakit tila hindi napapagod si Bianca at para raw itong “terminator” which means robot or cyborg.

“And imagine, as Sahaya, she’s got this high emotion of being independent, and then, she’s crying and then, woooh! That’s emotionally draining! So, yeah, I have no clue how she does that.

“So, I’ve got of respect for the girl,” pahayag pa ni Migo.

Na-flatter naman si B­ianca nang sabihin namin sa kanya ang mga binitiwang papuri ni Migo.

“Ang sarap marinig ‘yung mga ganu’n. Kasi, alam ko na nagpe-pay off ‘yung paghihirap and ‘yung lahat ng patience,” she said.

Pero hindi naman daw totoo na hindi siya napapagod dahil siyempre, napapagod din siya. Pero talaga raw pinipilit niyang maging energetic pa rin kahit umaga na alang-alang din sa mga staff at co-stars na napapagod na rin. Kung baga, ayaw niyang ipakita sa mga tao na pagod na siya para naman hindi raw mawalan ng gana ang mga ito.