Abante Tonite Interactive

Underarm Whitening Scrub

By
26

Hindi makapag-sleeveless dahil may sekretong tinatago? Puwede ng magkaroon ng stall pangtinda ng chicken skin?

Sagot kita dyan! Ang maganda pa sa ituturo kong DIY underarm whitening scrub ay dalawang ingredients lang ito at makikita lang sa loob ng bahay!

Maghanda ng baking soda at coconut oil at sundin ang mga susunod na steps:

1. Gumawa ng paste – Ihalo ang dalawang ingredients para makagawa ng thick paste.

2. Apply – Ilagay ito sa kilikili at i-scrub ng ilang minuto in circular motion

3. Banlawan – Pagkatapos i-scrub, hayaan muna itong nakababad ng 5-10 minuto saka ito banlawan.

4. Patuyuin – Panatilihing tuyo ang kilikili para hindi pamugaran ng mga bacteria na pinagmumulan ng body odor.