Abante Tonite Interactive

‘Underwater flag raising’ isasagawa sa Benham Rise

134

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa isang watawat ng Pilipinas ang nakatakdang itayo sa bahagi ng Philippine Rise o mas kilala sa tawag na Benham Rise.

Isasagawa ang ‘underwater flag raising’ ceremony ng mga opisyal ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at Department of National Defense (DND) sa mismong Philippine Rise sa pagdiriwang ng 119th Independence Day bukas.

Ayon kay Northern Luzon Command (NolCom) spokesperson Lt. Col. Isagani Nato, sisisid ang mga diver mula sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resour­ces (BFAR) at maging ang ilang foreign volunteer divers upang itayo ang bandila ng bansa sa ‘underwater plateau’ ng Philippine Rise.